Pagtambang sa lider ng Partido Manggagawa kinondena ng KMU

Kinondena ngayong araw ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagpaslang kay Andrew Iñoza, lider ng unyon sa Alaska Corporation na kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at Tagapangulo ng Partido Manggagawa sa Unang Distrito ng Laguna.

Ayon sa KMU, ika-73 si Iñoza na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa hanay ng kilusang paggawa. “Lubhang nakakagalit ang ginagawang pagpaslang sa mga manggagawa.”

Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo papasok ng trabaho si Iñoza mula sa tahanan nito sa Barangay Landayan nang ambusin ng di pa nakilalang mga salarin sa Bgy. Poblacion bandang 7:45 am ngayong araw. Namatay on-the-spot ang biktima.

Ani Elmer Labog, Tagapangulo ng KMU, “Patunay ang pangyayari na isa sa pangunahing target ng pamamaslang ay ang kilusang paggawa. Mas malinaw na ngayon na kahit hindi kasapi o lider ng KMU basta manggagawa na lumalaban para sa makataong pasahod, trabaho at mga karapatan sa mga pagawaan ay target na rin ng panunupil at karahasan.”

Ayon sa lider, wala silang ibang sisisihin sa sinapi ni Inoza kundi ang militar at mga ‘death squads’ na pumapatay sa mga nagsusulong ng pagbabago sa lipunan.

Kamakailan lamang nagpahayag na pati mga dayuhang negosyante sa ilalim ng Joint Foreign Chambers of Commerce (JFC) ng pagkaalarma sa walang humpay na pampulitikang pamamaslang sa bansa.

Gayundin, naging matagumpay ang isinagawang pagkilos sa ibang bansa bilang pagsuporta sa panawagan ng pagtigil sa pampulitikang pamamaslang sa Pilipinas at paghingi ng katarungan sa mga biktima.

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>
  • Potentially problem-causing HTML tags are filtered.

More information about formatting options